Feb 23 >GMA-7, WALANG PANTAPAT SA "PALIMOS NG PAG-IBIG"
Hindi pa ba nagte-taping ang "SineNovela" ng GMA-7 na ipantatapat sa "SineSerye" naman ng ABS-CBN?
Nagtatanong kami dahil tumawag sa amin ang isang taga-Siyete para itanong kung ano ang timeslot ng Palimos ng Pag-Ibig nina Diether Ocampo, Rica Peralejo at Kristine Hermosa dahil ang nakarating daw na balita sa kanila ay sa hapon ito ilalagay ng Dos.
"Siyempre, kung 'yun ang makakatapat ng Muli at Princess Charming e, mas malakas ang "Palimos…", 'yung Daisy Siete naman eh, blocktimer 'yun kaya dedma ang GMA do'n" bungad sa amin ng taga-GMA.
Binanggit namin na sa gabi ang Palimos… dahil makakapalit ito ng Princess Hours na makakatapat naman ng Jumong nila. At natawa kami sa sagot sa amin, "Haaay, salamat naman".
Binalikan namin ng tanong ang taga-Siyete, di ba't may pantapat din sila sa Dos, ang sinenobela nila — at Sinasamba Kita ang pilot episode nila?
"Nag-umpisa na raw, e, ewan ko kung kailan ang airing kasi kung itatapat sa…, e, di ba dapat nag-iingay na rin o kaya nagpapa-presscon na? kaswal na sabi sa amin".
So, syokoy (takot—editor) pala ang GMA sa Palimos ng Pag-Ibig? Susme, Diether Ocampo, Kristine Hermosa at Rica Peralejo pa lang 'yun, dinaga na sila. Sabagay, sino nga ba ang pwede nilang ipangtatapat… WALA! - Regge Bonoan
Feb 20 >LABANANG SINESERYE AT SINENOVELA
Kung ang ABS-CBN may SineSerye, ang GMA-7? naman ay may SineNovela at ang unang itatampok ng dalawang serye ay mga pelikula ng Viva Films. Sino kaya sa two networks ang unang nakaisip na bigyan ng TV remake ang magagandang drama movies ng film company?
Ang maganda nito, hindi raw magkakatapat ang airing ng sineserye at sinenovela, kaya pareho silang mapapanood ng viewers. Pang-primetime raw ang sa Channel 2 at pang-hapon ang sa Channel 7, na ilalagay kundi after Princess Charming ay after Muli.
Mauuna ang Dos sa pagpapalabas ng kanilang sineserye sa remake ng Palimos ng Pag-ibig, isu-shoot na ang Hiram na Mukha at nakaplano na ang kasunod na project.
Sa side ng Siyete, unang gagawin ang Sinasamba Kita, na ang movie version ay bida sina Vilma Santos, Lorna Tolentino at Christopher de Leon. Sa TV remake, si Sheryl Cruz pa lang ang tiniyak sa amin at gaganap sa role ni Vilma. Wala pang napipiling gaganap sa role ng actor at pinagpipilian daw sina Jackie Rice at Glaiza de Castro sa role ni LT.
Si Joel Lamangan ang director ng TV remake ng Sinasamba Kita at ito ang comeback project niya sa Channel 7.
Feb 19 >"I WANT THIS MARRIIAGE TO LAST"
Media icon Kris Aquino has always accompanied her sterling success with a tumultuous personal life; and shortly after her marriage to PBA cager James Yap, rumors are now circulating that the two are a couple no more. A lot of marital issues – even James' faithfulness – have been questioned and, for the first and only time on The Buzz, the two were on hand to address these accusations.
"I've always tried my best to be truthful and honest," a tearful Kris relates. "Wala akong kasalanan… lahat ng paliwanag ay naganap na sa loob ng tahanan namin." She also addressed that rumors of her being a 'sugar mommy' is hurting her family, and that James is in fact very capable financially. And although she confirmed that the two were not in good terms, she found it insignificant to address the cause of this friction because it is a very personal matter. "He has a good relationship with his in-laws," she adds. She dismisses any love lost between James and her mother, saying: "This is the first situation where my mom welcomed my partner."
James was also present, and he looked every inch the apologetic husband. "Gagawin ko ang lahat para mapatawad ako," he relates. "Handang-handa ako sa kahit anong mangyari… kahit anong mangyari ipaglalaban kita." Kris ended the discussion by saying: "Kahit sinong misis bibigyan ng pagkakataon ng asawa niya, dahil mahal na mahal niya ito."
And so even if the root cause of their conflict was not revealed everyone, including host Boy Abunda, found closure in the fact that Kris Aquino and James Yap has put their troubles behind them for the sake of having a complete family.
Watch out for more news and controversies as Kris Aquino, Boy Abunda and Cristy Fermin serve up a heaping plate of gossip on The Buzz after Love Spell!
Feb 13 >JERICHO AT HEART, BALIK-ABS-CBN
Balik-ABS-CBN sina Jericho Rosales at Heart Evangelista pagkatapos nilang makipag-meeting (separately) kina Malou Santos at Cory Vidanes kasama ang managers na sina Gina Martinez at Angeli Pangilinan.
Sa presscon ni Heart kahapon, ipinaalam ang mga project na kanyang gagawin sa Channel 2 at Star Cinema. May soap opera ito na this month na ang taping at variety show sa April at may movie project sa Star Cinema.
Si Jericho ay may action-drama series at soap opera with Claudine Barretto after she gives birth at magkakaroon ng pelikula sa Star Cinema.
Feb 9 >ABS-CBN KAPAMILYA PRIMETIME BIDA
Simula February 12…
Magbabago na ang pananaw mo sa panonood ng inyong telebisyon…
Feb 7 >JUDAY, REYNA KUNG TRATUHIN NG GMA-7
Sa wakas, matutuloy na rin ang pagiging "Kapuso" ni Judy Ann Santos. Ito ay sa pamamagitan ng proyektong tinanggap ni Alfie Lorenzo para sa GMA Films, na joint venture with Viva Films.
Ang pelikula, na may working title na Ouija Board, ay pagsasamahan for the first time nina Juday at Jolina Magdangal.
Kung si Jolens ay itinuturing na pambato ng GMA-7, si Juday, by virtue of her string of hits, ang latest ay ang 2006 MMFF's entry, Kasal, Kasali, Kasalo, siya namang prized possession ng Star Cinema, a subsidiary of ABS-CBN.
Naging "drama princess" din si Juday, dahil sa top- rated soaps niya sa Kapamilya Network. Kaya nga maraming kaibigan at supporters ni Juday ang nagtataka kung bakit tila na-iitsapuwera ang aktres ng ilang powers-that-be na may kanya-kanyang alagang pinapaboran pagdating sa mga proyekto ng sister companies.
Diumano, ang haplos ng pagmamahal na hinahanap-hanap ni Juday mula sa mga "kapamilya" ay nakita raw niya sa mga "kapuso".
As a matter of fact, sa mga pagkakataong dumarayo ang dalaga sa kabilang network, damang-dama raw nito lagi ang mainit na pagtanggap sa kanya.
Para nga raw siyang "reyna" kung tratuhin doon, despite the fact na taga-kabilang kampo siya.
In fairness, wala naman daw nilabag na kontrata kung tinanggap man ni Juday ang movie na matagal nang inu-offer ng GMA Films.
Hindi naman exclusive ang contract niya with Star Cinema at matagal na rin niya itong commitment sa Viva Films. So there…
Feb 7 >SUNSHINE DIZON, 'DI KILALA SA PROBINSYA?
May mga natanggap kaming e-mail at text messages reacting to what Sunshine Dizon has told to Startalk last Saturday.
Hindi namin napanood ang partikular na episode kung saan diumano diretsang sinabi ni Sunshine at ng nanay nito na dapat turuan (o itinuturo ng network ang kagandahang asal sa isang artista) ng magandang pag-uugali si Matt Evans.
Pinalaki nga raw ng mag-ina ang isyu -- na, in all fairness naman pala, ay pinanagutan ng organizers ng event sa Iloilo, at may mga kumpirmasyon pang sinabon at binigyan ng karampatang aksyon ang local hosts na diumano'y lumikha ng gulo.
Maanghang ang mga salitang ipinahayag ng mga humahanga kay Matt Evans.
Partikular na sinasabi ng mga reaksyon na kahit anong gawin daw na pagngawngaw nina Sunshine, maliwanag pa sa sikat ng araw na sa kasalukuyang panahon ay mas tinitilian at hinahangaan ang isang Matt Evans na lalong kilala bilang si Pedro Penduko sa TV.
Nakagugulat lang ang mga nasabing reaksyon dahil madalas naming nari-rinig na numero uno sa timeslot niya ang Bakekang na siyang pinagbibidahan ni Sunshine and yet, hindi pala siya gaanong kilala sa mga probinsya?
Well, ratings versus crowd drawing, saan ka nga naman magri-rely?
Feb 5 >SINESERYE PRESENTS: 'PALIMOS NG PAG-IBIG'
Malapit nang ipalabas ang SineSerye Presents ng ABS-CBN. At first material nila ang Palimos ng Pag-ibig na ipinalabas noong dekada '80 at pinagbidahan nina Vilma Santos, Edu Manzano and Dina Bonnevie.
Halos kumpleto na ang casting ng nasabing proyekto. Sina Kristine Hermosa, Diether Ocampo and Rica Peralejo ang napiling gaganap sa roles nina Vi, Edu and Dina.
Si Kristine ang gaganap na babymaker at sina Diet at Rica naman ang gaganap sa papel nina Edu at Vilma na mag-asawang hindi magkaanak.
Isa ito sa mga de-kalidad na pelikula natin noong mid-'80s and in fact, up to now, hindi pa rin nakalilimutan ang classic line ni Vi kay Dina na "Para kang karinderya na bukas sa lahat ng gustong kumain".
Malapit nang simulan ang taping nito to be directed by no less than Wenn Deramas.
Kaya buhay na buhay na naman ang network war dahil may mga iseserye ring mga old movies ang GMA-7 na malapit na ring mapanood.
Jan 31 >WOWOWEE, SINONG 'DI MAWIWILI!?
LUNES (JAN 22) Wowowee 21.8% vs. Eat Bulaga 17.9%, Daisy Siete 16.7%
MARTES (JAN 23) Wowowee 21.9% vs. Eat Bulaga 19.2%, Daisy Siete 14.9%
MIYERKULES (JAN 24) Wowowee 20.7% vs. Eat Bulaga 19.2%, Daisy Siete 16.8%
HUEBES (JAN 25) Wowowee 22.8% vs. Eat Bulaga 20.0%, Daisy Siete 20.6%
BIYERNES (JAN 26)
Wowowee ?? vs. Eat Bulaga ??, Daisy Siete ??
Jan 30 >PEDRO, BINASTOS SI BAKEKANG?
Nagulat si Matt Evans alyas Pedro Penduko sa report ng 24 Oras last Monday night na binastos daw niya si Sunshine Dizon alyas Bakekang sa Iloilo Dinagyang Festival nung Linggo na ginanap sa Freedom Park dahil hindi raw siya ang may kagagawan no'n kundi ang staff ng nasabing event.
Kasalukuyang nagba-basketball ang young actor nang tawagan namin kahapon para alamin ang nasabing isyu.
"Supposedly po, 5pm ang umpisa ng show ng Dinagyang sa Iloilo, at mauuna ang stars ng GMA-7 bago ang taga-ABS-CBN. E, kaso po, na-late ang show, naging 6pm kaya ang ginawa ng organizer, alternate na lang para matapos kaagad.
Ang backstage po ay malayo at nasa ibaba pa, kaya hindi po namin alam kung sino ang tinatawag at kung sino ang nasa stage. Bigla po akong tinawag ng staff at ako na raw ang kasunod, so nagmadali po akong umakyat at hindi ko po alam na naroon si Sunshine kasi nga itinulak na akong palabas sa stage, nagulat na lang ako naroon pa pala si Sunshine.
Gusto ko pong umurong, kaso nakita na ako ng mga tao at nagsigawan na, wala na po akong magawa kaya kumaway na ako. Gusto ko sanang lapitan si Sunshine sa backstage, kaso wala na sila, hindi ko na nakita.
"Hindi ko po siya binastos, ba't ko naman gagawin 'yun, e, may mga kapatid akong babae? 'Yun pong staff ng Dinagyang ang biglang nagpapasok sa akin sa stage" esplika ni Matt sa amin.
Jan 29 >BUHAWI JACK
Tama ang balitang na-extend for 14 weekends ang Da Adventures of Pedro Penduko ng Komiks sa ABS-CBN. Malamang na magwawakas ito sa April.
Buhawi Jack ang susunod sa Komiks after Pedro Penduko. Si Chito Rono ang director at si Vhong Navarro si Buhawi Jack.
Si Judy Ann Santos nga ba ang katambal dito ni Vhong?
Tama rin na sa Pebrero 1 hanggang Pebrero 28 ang taping nito kahit sa Mayo pa ito ipalalabas.
"Maraming special effects ang gagawin" sabi ng ABS-CBN boss.
Jan 27 >GOIN' BULILIT, GOIN' INTERACTIVE NA!
Ipamalita. Isiwalat. I-promote.
Pagkatapos ng masusing pagsasaliksik, malawakang diskusyon, matinding debate at malalim pagfe-feng shui na kumitil ng maraming braincells... the kids are finally goin' online.
Inihahanda na ng ABS-CBN ang ipapalit sa Pedro Penduko at itoy ang Buhawi Jack na bida si Vhong Navarro at kapareha niya ang Box Office Queen na si Judy Ann Santos. Inaayos na ang schedule ng dalawa para 'di mag-conflict sa taping ng Ysabella ng actress at Lastikman ni Vhong.
Wala pa kaming dagdag na detalye sa Buhawi Jack, gaya ng kung sino ang director at kasama sa cast ng dalawa. Ang tiniyak ng aming source, ikatutuwa ng husto ni Vhong ang pagpayag ni Judy Ann na siya'y maka-trabaho.
Jan 12 >'ROUNIN' TEASER
Jan 12 >'ENTENG KABISOTE', TINALO NG 'K.K.K.'
Ang total gross ng Kasal, Kasali, Kasalo matapos mag-end ang MMFF nu'ng Enero 8 ay P139M samantalang ang Enteng Kabisote 3 ay P128M lang.
Showing pa rin ang Kasal until now on its third week at tiyak na lalampas pa ito sa P150M ang total gross, lalo na ngayong ONE WEEK na TAX FREE ito gawa ng RATED A ito.
Congrats to everybody then! Maganda ang pasok ng 2007 kina Juday at Ryan, huh!
Jan 11 >'LASTIKMAN' SA ABS-CBN
At dahil nag-iisa nga sa kanyang trono bilang comedy prince ng bansa si Vhong (dahil very much in demand at present ang comedy kings na sina Dolphy at Vic Sotto),hindi naka-pagtatakang sa kanya ma-punta ang ilang roles na nagpatingkad sa pagiging hari nina Pidol at bosing Vic.
This year ay may plano na i-remake ang Facifica Falayfay na naging signature movie noon ni Dolphy at nagpauso ng gay roles sa movies.
Never pang lumabas na gay sa movie si Vhong although sa isang episode sa Maalaala Mo Kaya ay nabigyan siya ng papuri nang kanyang gampanan ang lifestory ni Tita Swarding.
If ever na matutuloy ang Facifica Falayfay, tiyak na magiging marka rin ito ni Vhong as a performer na kayang-kaya magmuk-hang bading at any given time, but at the same time, ay may tatak-babaero pa rin, kagaya ni Pidol.
Then, this 2007 nga rin mukhang matutupad ang plano ng ABS-CBN na ga-wing fantaserye ang Lastikman na naging hit mo-vie naman ni Vic Sotto some three years ago.
Ayon sa nasagap naming balita, nagkapirma-han na ang Ravelos (Mars' family) at ang ABS-CBN hinggil sa rights ng komiks karakter at na-inform na si Vhong about this ng ABS-CBN.
Kung ang lahat ng ito ay magaganap this year, isa nga si Vhong sa mga aabangan nating very important stars sa taong ito at marahil sa mga susunod pang mga taon. Goodluck and best wishes ang tanging dasal namin!
Jan 10 >TAGA-SYETE, NAIINIP NA SA 'ROUNIN'?
Maraming nagtatanong na taga-GMA 7 kung bakit matagal na raw na-shoot ang Rounin ng ABS-CBN, pero hanggang ngayon ay hindi pa raw ini-air?
At true raw ba na nag-reshoot ang nasabing anime' program na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Diether Ocampo, Joross Gamboa at iba pang young stars ng Star Magic?
"Mahirap kasing gawin ang anime' at nung i-preview ng mga bossing ng Dos, e, nakukulangan pa sila, so inaayos pang mabuti especially the fight scenes.
Walang ni-reshoot o iniba, ini-improve kasi nga anime' para sa satisfaction ng viewers," katwiran sa amin ng taga-production ng Dos tungkol sa tanong ng taga-Siete.
Naisip daw kasi ng mga taga-drama production ng GMA-7 na sadyang hindi pa talaga ie-ere ang Rounin dahil tatapatan nila ang Lupin ni Richard Gutierrez na isa ring anime'.
Dagdag pa, "Gaano ba kaganda ang Rounin na 'yan at one year in the making na? 'Di kaya pelikula na 'yan?"
Any reaction from Rounin staff?
Jan 09 >CHICKBOY - AGENT X44 OST
CHICKBOY Performed by Vhong Navarro Agent X44 OST
Jan 07 >JENNYLYN MERCADO, MAXIM's NEW YEAR COVER GIRL
Jennylyn Mercado declares that she's 'ready to be sexy.' And that's exactly what she is on the cover—and inside pages—of the January issue of Maxim magazine. Fresh from the success of the Metro Manila Film Festival entry Super Noypi, Jennylyn is definitely in for a great year. Besides the 15-hour Maxim pictorial shoot, which immediately became news just a few days after the grueling shoot, she is all set to star in her new fantasy/drama show.
In the interview done by her Super Noypi director Quark Henares, Jennylyn admits she was hesitant at first about appearing in the sexy magazine. "I was nervous about not being able to do justice to the clothes—or the lack of it," she said.
For Maxim, getting Mercado from her home network, to agree to the shoot was a definite coup. The former Starstruck winner had consistently turned down offers from the other men's titles to have her on their cover. Plus Maxim is published by the magazine unit of ABS-CBN, also made the decision all the more newsworthy.
But the network wars never seemed to have played a decision for the young actress. Apart from Henares doing the interview, the shoot was handled by cinematographer Lyle Sacris, whom she had worked with before.
Maxim is available in all bookstores and newsstands nationwide.
Jan 06 >ABS-CBN HAGGLES THE TOP SPOT
For the recently released AGB Nielsen Media Research results, the study shows that ABS-CBN proves to be strengthening its take on the number one spot.
Kris Aquino continues to take the country by storm with "Deal or No Deal," the over-all number one show in Metro Manila, other parts of Luzon and Visayas. Budong, meanwhile, in "Super Inggo," takes a close second spot. Filipinos in Mindanao remain loyal kapamilyas as they place "Pedro Penduko" in the top spot.
Non-primetime ratings showed that "Wowowee" overtakes all daytime and noontime programs in Metro Manila and Visayas. Everybody just keeps on dancing boom tarat tarat. December also showed that Filipinos remains kapamilyas at any time of the day.
We don't know if the trend will continue in the new year
Jan 01 >HANDA KA NA BA SA 'ROUNIN'?
ROUNIN 2nd Qtr 2007 Directors: Erik Matti, Chito S. Rono(?), Richard Somes Cast: Diether Ocampo, Angelica Panganiban, Luis Manzano, Geoff Eigenmann, Nikki Gil, Joross Gamboa, Rafael Rosell, Melissa Ricks, Jhong Hilario, Dhaina Magdayao, Rayver Cruz, Monsour del Rosario, Agot Isidro
It started with a longtime fascination. Creator Phillip King who has brainstormed Crazy For You and has written Love Spell, Komiks and ASAP
shares, "Guilty pleasure ko yung mga Anime`, kasi I like the way they tell stories, the look, (yung pagiging) action-packed, makulay at out of this world talaga.
He pitched the idea of an Anime`-inspired teleserye to creative manager Rondell Lindayag and ABS-CBN Business Unit Head Deo Endrinal, who both agreed that the concept had real possibilities.
"Na-approved tapos dire-diretso na. Ang then we noticed na yung level ng (special) effects, the way we were writting it, we thought na baka hindi namin mapanindigan.
Naging line production na siya nina Direk Erik Matti, Dondon Monteverde, Reality Picture and Larger than Life."
"Rounin" or "Ronin" is the Japanese term for "masterless warrior". Sa Japan, nung time ng mga warlords, may in-assasinate na isang warlord, tapos yung 12 samurais
pinaghiganti yung master nila.
Sumugod sila sa castle ng kalaban tapos ang dami nilang pinatay pero nahuli sila in the end.
Sila lang yung grupo na hindi pinayagang mag-harakiri (honorable death by suicide). Isipin mo masama siya kasi masterless warrior pero very honorable actually because they did everything for their master".
In the series, an elite league of warriors (Luis Manzano, Angelica Panganiban, Nikki Gil, Jhong Hilario and Rafael Rosell) are to protect the city of Lumeria against the threat of Helion, the City of Death.
Each Rounin specializes in a certain martial art and is commanded by the Master Rounin, the ruler of Lumeria (Diether Ocampo).
"As the story goes along, when the need for new rounins arises, ang papalit sina Rayver Cruz, Joross Gamboa".
Who's going to die from the five original warriors? "Spoiler pag in-reveal ko", King smiles.
The show premiers 2nd quarter of this year. Production deliberately took its time, making sure that preparations that went into this project won't go to waste.
Then the forces of nature had a hand in the project, causing some delays. "Technically, nauna pa ito kaysa sa Komiks eh. Tapos diba , remember we had a series of storms?
May isang instance na they were supposed to destroy the set for an important scene, but the day before, bumagyo, kaya kailangan nilang i-rebuild yung set para sirain lang ulit".
King describe the special effects as "astig". "Parang pag naglalaro ka ng computer, pag sinuntok yung lupa, tatalsik talaga. O kaya kaya habang nag-aaway tayo, magiging parang amber yung kamay ko, hanggang lumabas yung apoy talaga. Hindi siya yung parang simpleng magic lang".
It is askinto the ones seen in Fianl Fantasy while recalling some of the tricks employed in Crouching Tiger, Hidden Dragon "May scenes na may pagka-Crouching Tiger, yung isa, lumilipad sila sa ere espadahan sila.
may isang eksena rin na maghahalikan lang yung dalawang tao (Luis and Angelica), tumalon pa sila sa ere tapos para silang helicopter na bababa sa lupa".
Sumugod sila sa castle ng kalaban tapos ang dami nilang pinatay pero nahuli sila in the end.
No expense was spared. A cement factory in Taytay was transformed into one huge studio and the service of Hong Kong fight instructor Phillip Kho were secured.
What they tried to to create was virtually an entire world with its own physical rules and way of life. "Hindi siya sa Pilipinas, hindi siya sa Earth, may sarili silang kultura, iba yung way nila ng pagdarasal, iba yung writings nila, although not necessarily yung linguwahe".
It also helped considerably that the cast was equally enthusiastic. "They train talaga. Si Melissa Ricks, ang galing. Si Luis, kickboxer talaga. Si Rafael, si Jhong, mga dancer diba? Minsan hindi na sila nagdo-double when they fight".
Angelica Panganiban in particular is grateful for being cast in Rounin. "Na-inspire akong mag-Wu shu. Sobrang efective way to lose weight".
At the center however of the series is a touching love story --- make that a series of love triangles. King is confident that they'd be able to tap a wide audience with Rounin.
"Basic core ng viewership natin mga babae eh. Bonus na yun if you can draw in mga bata, mga lalake, there's the fighting scenes Saka ang hilig ng mga Pinoy sa Anime`".
Dec 29 >32nd MMFF KAPAMILYA WINNERS
KASAL, KASALI, KASALO (Star Cinema) Best Screenplay Best Story 2nd Best Picture Most Gender Sensitive Film 2nd Runner-Up Best Float Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award
JUDY ANN SANTOS (Kasal, Kasali, Kasalo) Best Actress
GINA PARENO (Kasal, Kasali, Kasalo) Best Supporting Actress
JOHNNY DELGADO (Ligalig) Best Supporting Actor
NASH AGUAS (Shake, Rattle & Roll 8) Best Child Performer
JOSE JAVIER REYES (Kasal, Kasali, Kasalo) Best Director
RYAN AGONCILLO Male Star of the Night
HAWAK KAMAY (Kasal, Kasali, Kasalo) Best Movie Theme Song
Sabay-sabay tayo…
PINOY BIG BROTHER Season 2 Sked
Kick-Off Party
> February 25, Sunday 9:30 PM
Pinoy Big Brother Season 2 on Studio 23 Si Kuya ka-Barkada Mo!
> February 26, Monday 7:30 PM
Primetime Bida
> February 26, Monday
PBB Season 2 Uplate
> February 27, Tuesday 12:30 AM
Obsess over Rachelle Ann Go!
Get the DON'T SAY GOODBYE tone for FREE!
Text RACH to 2366.
Plus, receive the hottest OPM tones weekly.
Open to Globe, Smart and Sun subscribers. P15/wk.